• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:39 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

After maka-graduate sa isang culinary school: JUDY ANN, gusto pang mag-aral ng ibang expertise tungkol sa pagluluto

ISANG milestone na naman ang na-achieve ni Judy Ann Santos kamakailan at ito ay ang pag-graduate niya sa culinary school.
Nagtapos sa Professional Culinary Arts Program sa Center for Asian Culinary Studies ang aktres kung saan nakakuha siya ng dalawang medalyang ginto.
Kinumusta ng namin kay Juday ang pakiramdam na maka-graduate.
“Nakakaloka, di ba,” ang tumatawang umpisang sinabi ni Juday.
“Hindi… apparently, yung graduation na yun, that’s long overdue na talaga, pero kasi kailangan ko pang mag-repertoire bago ako maka-graduate.
“And then nawalan ako ng oras and then, nagse-Chef’s Night na ako and then, si Chef Gene [Gonzalez] told me na hindi na ako kailangang mag-repertoire dahil nga nagse-Chef’s Night na ako ng ilang buwan na last year sa Angrydobo.
Yung graduation na yun, that was even before the pandemic pa. But I would always sit in, minsan nag-refresher course din ako during the pandemic.
So hindi naman ako huminto mag-aral talaga. “Ano lang… though sinabi na sa akin ni Chef Gene na tatanggap ako ng medal this year, hindi na lang kami nagkabalikan, pero at least naka-graduate na ako,” at muling tumawa si Juday.
Pahayag pa niya, “Nakakagulat, pero nakaka-happy naman din na o di ba, ang saya lang ng pagpasok ng taon, naka-graduate na ako.”
Noong 2006 unang kumuha ng culinary course sa Center for Asian Culinary Studies sa San Juan kung saan naka-graduate rin siya with honors.
Ano ang susunod niyang hakbang matapos ang kanyang graduation pagdating sa pagiging isang chef, sa pagluluto, ano pa ang mga plano niya?
“Actually, gusto ko pa uling mag-aral, e. Gusto ko pa uling mag-aral ng ibang expertise naman when it comes to cooking, ibang field naman.
“Wala namang katapusan yung proseso ng pag-aaral when it comes to knowledge, di ba? “Knowledge is knowledge.
“Magandang opportunity at least for me to travel, kasi habang nagta-travel ka, dun din mas lalong lumalawak yung panlasa mo.
Mas nagkakaroon ka lalo ng kaalaman sa mga pinupuntahan mong lugar, culture and taste.
“For this year, I really plan to give most of my time to Angrydobo and to my passion, which is cooking.”
Dalawang branches mayroon ang Angrydobo restaurant nina Judy Ann at mister niyang si Ryan Agoncillo, isa sa Westgate sa Alabang sa Muntinlupa City at isa sa Taft Avenue sa harap ng De La Salle University.
Ang Chef Night’s ay mga espesyal na gabi sa Angrydobo kung saan iniimbitahan nina Judy Ann at Ryan ang kanilang mga kapamilya, malalapit na kaibigan at mga customer para sa isang dinner party.
Samantala patuloy pa ring napapanood ang Judy Ann’s Kitchen sa Youtube channel nito.
 
(ROMMEL L. GONZALES)