• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Advance Information System, ilulunsad ng BI

NAKATAKDANG ilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang  Philippines’ Advance Passenger Information System (APIS), isang hakbang  tungo sa modernisasyon  ng border security  at a major step in modernizing border security and streamlining immigration processes,  kasunod sa kautusan ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr na  ayusin ang  national security sa pamagitan ng  digital transformation.

 

Ang APIS ay kinikilala sa buong mundo na nasasagawa ng advance screening ng mga pasahero bago ang kanilang pagdating.

 

Ang nasabing sistema ay pinapayagan ang mga awtoridad na ma-identify ang potential security threats at maayos na entry procedures, at pagbabago ng immigration assessments sa bansa.

 

Sinabi ni BI APIS Operations Center (APOC) Chief and Deputy Spokesperson Melvin Mabulac ang kahalagahan ng APIS  sa pagpapalakas ng border security ng bansa.

 

“This system will enable us to screen passengers in advance, improving risk assessment and expediting the processing of legitimate travelers,” ayon kay Mabulac.

 

At bilang bahagi ng kanilang preparasyon, isinasagawa ng pilot testing sa mga major airlines kabilang ang  Philippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific, at sa pakikipagtulungan ng kanilang  service providers. Maayos din naisagawa ang connectivity tests sa INTERPOL’s I-24/7 database upang masiguro ang access sa international security watchlist.

Ang BI ay maayos na nakikpag-ugnayan sa mga stakeholders, kabilang ang  INTERPOL, airline representatives, at ang  United Nations Office of Counter-Terrorism (UN OCT), upag masiguro ang  seamless integration sa APIS sa kasalukuyang system.

 

Ang system ay nakatakdang ilunsad nitong darating na buwan, upang maipakita ang immigration capacities ng  BI.

 

“This initiative marks a significant milestone in our ongoing efforts to modernize immigration processes,” ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado. “With APIS, we are not only strengthening security but also ensuring a more efficient and hassle-free experience for travelers.” (Gene Adsuara)