• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 3:04 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Acquittal ni De Lima pinagtibay ng korte

SA ikalawang pagkakataon, inabsuwelto ng Muntinlupa Regional Trial Court si dating senador at incoming Congresswoman Leila de Lima at  dating driver/bodyguard na si Ronnie Dayan kaugnay ng kasong iligal na droga na ipinabalik ng Court of Appeals (CA) sa mababang korte.

Nanindigan si Muntinlupa RTC Branch 204 Presiding Judge Abraham Joseph Alcantara sa nauna niyang desisyon na “acquitted” si De Lima at Dayan sa Criminal case No. 17-165, Section 5, in relation to Section 3(jjj) Section 26 (b) at Section 28, Republic Act 9165.

“Wherefore both accused Leila M. de Lima y Magistrado and Ronnie Palisoc Dayan are hereby acquitted of the crime charged on the ground of reasonable doubt,” ayon sa desisyon.

Matatandaang noong Abril 30, 2025 nang i-remand ng CA sa RTC ang kaso kasunod ng inihaing petisyon ng Office of the Solicitor General (OSG) para sa kabiguan ni Alcantara na patunayan ang kanyang pananaw sa diumano’y kakulangan ng ebidensya na hatulan sina De Lima at Dayan.

Sa bagong desisyon, sinabi ni Judge Alcantara na malinaw niyang sinabi ang mga “facts and Law” sa hatol niya noong Mayo 12, 2023 partikular ang paliwanag sa recantation o pagbawi ng pangunahing testigo para magkaroon ng reasonable doubt. “The totality of said recantation, by itself, was sufficient basis for the RTC to uphold the Constitutionally guaranteed presumption of innocence,” saad pa sa desisyon ni Judge Alcantara. (Daris Jose)