ALOK NA NURSES FOR VACCINE SWAP, HINDI NAKUNSULTA ANG DOH
- Published on February 27, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI umano nakunsulta ang Department of Health (DOH) kaugnay sa alok ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nurses-for-vaccine swap sa Germany at UK.
Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, wala rin silang impormasyon tungkol sa nasabing usapin .
“Sa tingin ko ay magkakaroon ng pag-uusap diyan at dapat idulog sa IATF kung sakalaing may ganitong proposal o plano na kailangang gawin because of vaccines”, ayon pa kay Vergeire sa virtual forum.
Dsagdag pa nito, nasa IATF din aniya ang desisyon hinggil dito.
Sa nasabing proposal ng DOLE,sinabi naman umano ng UK health ministry na walang plano ang UK na sumang-ayon sa vaccine deal sa PIlipinas kung saan mas marami pang nurses ang irerecruit at ipapadala kapalit ng bakuna. (GENE ADSUARA)