• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 12:05 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Isko handang magpaturok ng Sinovac

Handa si Manila City Mayor Isko Moreno na isa sa mauunang magpaturok ng COVID-19 vaccine mula sa Sinovac makaraang mabigyan na ito ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drugs Administration (FDA).

 

 

Sa pulong ni Moreno sa mga miyembro ng Manila City Council ipinaalam niya na ang kahandaan na mabakunahan ng naturang Chinese vaccine.

 

 

Base sa ulat, ang Sinovac ay may efficacy range na 65.3% hanggang 91.2% ngunit nasa 50.4% efficacy range lamang sa mga health workers na lantad sa COVID-19.

 

 

Sa kabila nito, nanindigan si Moreno na basta aprubado na ng FDA at may EUA na ay maaari nang gamitin kahit anong bakuna.

 

 

“May karapatan kayong maging choosy. Pwede kayo maghintay ng bakunang type ninyo. Pero para sa akin, basta may EUA gagamitin po natin,” giit ni Moreno. (GENE ADSUARA)