• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 6:24 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec.Andanar, nagpaabot ng panalangin sa agarang paggaling ni Sec. Diño na nagpositibo sa Covid-19

NAGPAABOT ng panalangin si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar para sa mabilis na paggaling ni Presidential Assistant for the Visayas Michael Lloyd Diño na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

 

“We extend our prayers of speedy recovery and good health to Presidential Assistant for the Visayas Secretary Michael Lloyd Diño after he recently contracted COVID-19,” ayon kay PCOO Sec. Martin Andanar.

 

Umaasa si Sec.Andanar na kaagad na makababalik sa trabaho si Diño sa lalong madaling panahon.

 

“May Secretary Diño’s recovery be immediate in order for him to continue fulfilling his duties and in assisting the President and the whole Duterte administration in the fight against and recovery from the pandemic in the Visayas region,” aniya pa rin.

 

Sa ulat, sinabi ni Diño na na- exposed siya sa taong nauna nang nasuri na positibo sa virus.

 

“I am currently under isolation after testing positive on Feb. 14, Sunday for SARS-CoV-2 (severe acute respiratory syndrome-coronavirus-2),” ani Diño.

 

Hinikayat nito ang kanyang mga nakadaupang-palad sa nasabing event na sumailalim din sa mandatory isolation.

 

Sinabi naman ni Assistant Secretary Jonji Gonzales of the Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) na nagkusa si Diño na magpa- Covid-19 test noong Pebrero 14 matapos na magpositibo sa virus ang kanyang driver.

 

Tiniyak ni Diño na sila ay sumasailalim sa quarantine at sumusunod sa health protocols.

 

Ang OPAV staff na sumasailalim sa quarantine ay inatasan na magtrabaho ng malayo hanggang sa bumuti ang kondisyon ng kanilang kalusugan.

 

At para maipagpatuloy ni Diño ang kanyang trabaho ay nagpapadala siya ng kanyang kinatawan sa mga meeting sa mga ahensiya ng pamahalaan.

 

“As what has already been practiced, events that need his presence can be done through his phone via teleconference or Zoom,” ayon kay Gonzales. (Daris Jose)