• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 9:43 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TABLET NA BINIGAY NG QC GOVERNMENT BUKING NA GINAGAMIT SA ONLINE SUGAL

PINAIIMBESTIGAHAN na ng Quezon City government kung paano nagagamit sa online sabong ang mga tablet na ipinamigay ng lokal na pamahalaan.

 

 

Dismayado ngayon si QC Mayor Joy Belmonte dahil ayon sa kanya ay  inilaan sa pag-aaral ang mga ito ngunit napupunta sa sugal. Para umano sa mga bata ito at dapat manatili na gamitin para lamang sa kanilang pag-aaral lalo na sa ngayon ay tanging on-line classes lang ang pinapaiiral halos sa buong bansa.

 

 

Nabuking ng QC na nagagamit ang tablet na ipinamahagi nila sa on-line sabong mtapos ang naging operasyon ng Task Force Disiplina noong February 14 kung saan ay may natiyempuhan sila na grupo ng kalalakihan na nag-iinuman at nang makita ang TF Disiplina ay nagpulasan ang mga ito pero may mga tablet na naiwan na naka on pa sa on-line sabong.

 

 

Kinumpiska ng TF Disiplina ang mga tablet at nang masuri ay napag-alaman na ito ay pawang ipinamahagi ng QC government at nakalaan para sa on-line classes.

 

 

Base sa  QC Council Ordinance no. 2954 S-2020,  sinumang indibidwal na gamitin ang binigay na gadgets ng QC government maliban sa on-line classes ay mahaharap sa multa at iba pang mga penalties. (RONALDO QUINIO)