COMMERCIAL/RESIDENTIAL AREA, NASUNOG
- Published on February 19, 2021
- by @peoplesbalita
ISANG commercial/residential area ang nilamon ng apoy kagabi sa Binondo, Maynila.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection- NCR, nangyari ang sunog sa establisimyento na pag-aari ng Jespajo Realty Corporation.
Isa itong 5 storey residential/commercial mezzanine building kung saan nagsimula ang apoy sa unit na inookupahan ni Shany Lim sa Unit 209 , sa ikalawang palapag ng nasabing gusali.
Pasado alas-8:00 nang magsimula ang sunog na umabot sa ikatlong alarma at idineklarang fire out pasado alas-9:00 ng gabi.
Umaabot naman sa humigit kumulang P300 libo ang napinsala sa sunog bagamat wala namang iniulat na nasaktan sa sunog. (GENE ADSUARA)