Sec. Roque, nananatiling malusog at wala umanong anumang sintomas ng Covid-19
- Published on February 13, 2021
- by @peoplesbalita
N
ANANATILING nasa maayos ang pangangatawan at walang nararamdaman na anumang sintomas ng Covid-19 si Presidential Spokesperson Harry Roque.
Kamakailan kasi ay nakasalamuha ni Sec. Roque ang kanyang staff na nagpositibo sa covid19.
Aniya, tanging precautionary measure o pangangalaga sa katawan ang kanyang pinagtutuunan ng pansin ngayon upang masiguro na nananatiling nasa maayos na kondisyon ang kanyang kalusugan.
Subalit, technically aniya ay wala siyang close contact sa kanyang staff na nagpositibo sa virus.
Ito aniya ay dahil sa kahit nasa iisang sasakyan lamang sila ng kanyang mga staff sa loob ng halos apatnapung(40) minuto noong linggo, ay lagi naman suot ang kanyang Face mask at face Shield para masigurong ligtas laban sa Covid-19.