Maliksi pumirmi sa Meralco
- Published on February 11, 2021
- by @peoplesbalita
MAGPAPATULOY para sa Meralco ang pagseserbisyo ni veteran swingman Allein Maliksi para sa darating 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa umpisa sa Abril 9.
Nabatid kamakalawa kay veteran players agent Danny Espiritu, na lumagda ng bagong kontrata ang four-time PBA champion at incoming 10-year pro veteran kasama ang nagbalik team workout na Bolts sa Meralco gym sa Ortigas, Pasig.
Pang-anim na ang 33-anyos, 6-4 ang taas at tubong Makati sa mga pinapirma ng team kasunod nina Reynel Frances Hugnatan, Siverino ‘Nono’y Baclao Jr., Reymar Jose, Raymon Jamer Jamito, at Michael Canete.
Isa sa may mahusay na nilaro sa 45th PBA Philippine Cup 2020 sa Angeles, Pampanga bubble si Maliksi kung saan makasaysayang pumalaot ang kuryente sa semifnals sa unang pagkakataon. May average ang journeyman na 10.4 points at 4.1 rebounds. (REC)