Sec. Roque, naka-isolation
- Published on February 10, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na siya ay naka- isolation makaraang ang isa sa miyembro ng kanyang staff ay nagpositibo sa Covid-19.
Negatibo naman si Sec. Roque nang sumailalim sa pathogen test.
Sa kabila ng naka-isolation ay sasama naman si Sec. Roque sa Inter-Agency Task Force against COVID-19 meeting mamya sa pamamagitan ng online.
Sinabi rin niya na may akatakdang public address si Pangulong Rodrigo Roa Duterte mamyang gabi.
“Opo, mayroon po. I will be joining online ‘no kasi nga po mas mabuti na—bagama’t ako po’y nag-PCR test kahapon at negative for the meeting today, eh dahil nga po mayroong exposure, we need to give the example and I will follow the protocol. So I will be joining online po,” anito.
Sa kabilang dako, hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na si Roque, na nagsisilbi ring tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force against COVID-19 ay sumailalim sa isolation sa panahon ng pandemiya. (Daris Jose)