• March 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Roque, no comment sa umano’y siyam na miyembro ng gabinete na pinangalanan ni Pangulong Duterte

NO COMMENT si Presidential Spokesperson Harry Roque sa umano’y line up ng mga posibleng isabak ng Administrasyon sa senatorial race sa susunod na taon.

 

May lumabas kasing report ang isang news portal na siyam na cabinet secretaries umano ang pinangalanan ni Pangulong Duterte para maging potential senatorial candidates.

 

Nangyari umano ang pagkakabanggit sa siyam na pangalan nitong huling cabinet meeting.

 

Ang sinabi lamang ni Sec. Roque ay saklaw din ng executive privilege ang pagpupulong at ang umano’y line up ay hindi naman kasama sa agenda.

 

At ang anuman aniya na hindi kasama sa agenda ay mananatiling confidential.

 

Samantala, lumutang kasi ang mga pangalan nina Secretaries Mark Villar, Ramon Lopez, Arthur Tugade, Francisco Duque III, Silvestre Bello III and Karlo Nograles, Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Presidential Spokesperson Harry Roque at Vaccine Czar Carlito Galvez sa sinasabing potential senatorial candidates ng administrasyon.

 

“Alam ninyo po kasi ang aming pagmi-meeting ay covered din by executive privilege. So I think iyong mga bagay-bagay na iyan po, dahil hindi naman po iyan kasama sa agenda, will remain to be confidential ‘no. So, I cannot comment on that po” ani Sec. Roque. (Daris Jose)