• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RESUMPTION O IPAGPAPATULOY LIMITADONG FACE- TO-FACE CLASSES NG UNIVERSITY OF STO TOMAS, TULOY NA

MATAPOS aprubahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso  para sa partial resumption ng face to face classes sa  University of Santo Tomas ay tiniyak naman ng pamunuan ng unibersidad na  masusunod ang  itinatakdang panuntunan ng pamahalaan laban sa corona virus disease o covid 19.

 

 

 

Ito ang  pahayag ng pamunuan ng UST na lumabas sa official student newspaper na The Varsitarian kung saan sinisigurong masusunod ang  itinatakdang protocol ng  Inter Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease at ng Commission on Higher Education o CHED  .

 

 

 

Sa ilalim ng partial resumption of classes, kabilang sa magsasagawa ng face-to-face classes ay ang internship, clerkship, practicum sa mga sumusunod na kurso: medicine, medical technology, physical therapy at nursing.

 

 

 

Sa naturang publication, ipinunto ng UST na higit na maihahanda ang mga estudyante

 

 

 

lalo ang mga doktor at health professional na makapagbibigay ng mahusay na serbisyo sa kanilang mga pasyente sa hinaharap at makapagliligtas ng maraming buhay.

 

 

 

Nakasaad rin sa naturang post na magpapalabas na ng tamang  guidelines ang UST sa stakeholders sa sandaling maaprubahan na ito ng IATF at CHED. (GENE ADSUARA)