• October 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulls, itinumba ang Bucks, 125-104

ITINUMBA ng Chicago Bulls ang Milwaukee Bucks sa naging bakbakan ng dalawa, 125-104.

Hindi nakayanan ng Bucks ang 47% overall shooting performance ng Bulls na pinapangunahan ng forward na si Matas Buzelis.

Pinuno ng bagitong forward ang stat sheet sa kaniyang 19 points, 2 rebounds, 3 assists, isang steal, at isang block.

Naging malaking tulong din ang bench player na si Leonard Miller na nag-ambag ng 18 points, pitong rebounds, at dalawang steal, para maipanalo ng Bulls ang laban.

Nangibabaw ang magandang defense ng Bulls na kumamada ng 14 steals, daan upang pwersahin ang ang Bucks na gumawa ng 30 turnover sa kabuuan ng laban.

Umabot pa sa 34 points ang pinakamalaking kalamangan ng Bulls sa kabuuan ng matchup.

Sa pagkatalo ng Bucks, nasayang ang double-double performance ng bagitong forward na si Ousmane Dieng na gumawa ng 10 points at 11 rebounds, kasama ang 23-point performance ng bench na si Kameron Jones.

Ito na ang ikatlong pagkatalo ng Bucks ngayong preseason habang hawak naman ng Bulls ang 2-2 win-loss record.