Konstruksyon ng MRT -7 sa Kyusi pinahinto
- Published on February 20, 2020
- by @peoplesbalita
PINAHINTO ni QC Mayor Joy Belmonte ang construction ng MRT-7 sa bahagi ng Quezon City Memorial Circle (QCMC), dahil sa banta na posibleng humina ang pundasyon ng naturang park.
Bukod dito ay may banta umano na posibleng masira ang isang sikat na heritage park told ng QCMC na maituturing na mukha ng Kyusi.
Natuklasan din ng QC government na sumubra na sa napagka sunduan na laki ng huhukayin sa ilalim ng QCMC kungsaan dadaan ang MRT-7. Sa kasunduuan ay 4,997 sqm. Lamang ang huhukayin pero sa inspeksyon ay halos triple na ang lawak nito.
Nais din ngayon na makipagpulong ni Belmonte sa pamunuuan ng DOTr at ang contractor nito na EEI ng San Miguel Corp. Pinag kukumento din ng QC ang National Commission on Culture and Arts, National Historical Commission of the Philippines at ang pamilyang Quezon –Avancena ng dating pangulon na si Mauel Luis Quezon. (Ronaldo Quinio)