• October 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LENI ROBREDO KAY PBBM: SI JUSTICE LEONEN ANG KARAPAT-DAPAT NA SUSUNOD NA CHIEF JUSTICE

INIREKOMENDA ni Naga City Mayor Leni Robredo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Senior Associate Justice Marvic Leonen bilang susunod na Chief Justice ng Korte Suprema.

Kinumpirma mismo ng Korte Suprema ang sulat ni Robredo, kung saan iginiit niyang si Leonen ang pinakamatagal na nakaupong mahistrado at pinakapasok sa pamantayan ng Konstitusyon — may competence, independence, probity at integrity.

Binalikan ni Robredo ang malawak na track record ni Leonen — mula sa pagiging negosyador sa framework agreement sa MILF, hanggang sa paghawak ng mga sensitibong posisyon bilang Acting Chief Justice, chair ng mga dibisyon, electoral tribunals at judicial committees.

Itinampok din niya ang pagiging lider ni Leonen sa modernisasyon ng hudikatura, kabilang ang eCourt PH at paggamit ng artificial intelligence.

Giit ni Robredo, kailangan ng Korte Suprema ng lider na may kredibilidad at paninindigan para sa social justice, human rights, at integridad ng institusyon. (Gene Adsuara)