• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nationwide transport strike, isasagawa habang sumisipa ang presyo ng krudo

MAGLULUNSAD ang PISTON ng dalawang araw na nationwide transport strike sa September 29 at 30 dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng fuel.

Ayon sa grupo, nasa 70,000 jeepney driver at operator ang inaasahang sasali, kasama ang mga grupong kumakatawan sa mga manggagawa, urban poor at commuters.

Kabilang sa posibleng maapektuhang lugar sa Metro Manila ang Cubao-Marikina-Antipolo, Commonwealth, EspaƱa, Monumento, Novaliches, Baclaran, Pasig, Taguig, Sucat at Alabang.

Kabilang sa kanilang panawagan ang suspensyon ng fuel taxes, pagbuwag sa Oil Deregulation Law, dagdag-sahod at fare increase. (DARIS JOSE)