• October 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAPEL NG COMELEC SA KASO NI MARCOLETA, TAPOS NA

WALA nang kinalaman ang Commission on Elections sa kinakaharap na kasong kriminal ni Sen.Rodante Marcoleta , ayon kay Chairman George Erwin Garcia.

Paglilinaw ni Garcia , tapos na ang papel ng Comelec sa kaso ng senador sa Sandiganbayan kaugnay sa campaign contributions nito noong 2025 National Local Elections .

Sinabi pa ni Garcia na ang saklaw lang ng Comelec ay usapin ng donasyon, kontribusyon at SOCE. Ginawa ni Garcia ang pahayag matapos sabihin ni Marcoleta sa pagdinig na dapat Comelec ang humarap ng kaso at hindi ang Sandiganabayan.

Aniya tapos na ang tungkulin ng Comelec sa criminal aspect at wala nang pending case sa kanila . Multa na lang ang dinidinig nila ngayon . Pero babala ni Garcia puwede pa ring kasuhan ng ibang ahensya ang senador at ang mga donor kung may nilabag na ibang batas .

Nilinaw din ng poll chief na hindi ibig sabihin ay ligtas na sa kaso ang mga nag-donate kay Marcoleta . (Gene Adsuara)