• October 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GORDON: KILALANIN ANG LABANAN SA IMUS BILANG UNANG TAGUMPAY NG HIMAGSIKAN

IMUS, CAVITE — Nanawagan si dating Senador Richard Gordon na kilalanin ang Labanan sa Imus bilang Unang Tagumpay ng Himagsikang Pilipino, sa paggunita sa ika-130 anibersaryo nitong September 03, 2026 sa Imus City Cavite.

Naganap ang labanan mula Agosto 31 hanggang Setyembre 3, 1896, sa mga unang yugto ng Himagsikan. Sa kabila ng kakulangan sa armas, nagtagumpay ang mga rebolusyonaryong Pilipino na makuha ang hacienda sa Imus, kasama ang mga baril, kanyon at bala.

Noong Setyembre 3, ginamit ng mga rebolusyonaryo ang nakuhang kanyon laban sa puwersa ni Heneral Ernesto de Aguirre at napaurong ang mga sundalong Espanyol patungong Bacoor.

Ayon kay Gordon, naging mahalaga ang tagumpay sa pagpapalakas at pagpapalawak ng Himagsikan sa Cavite.

“Dapat malaman ng kabataan na may mga Pilipinong nanalo kahit wala silang sapat na armas at wala silang makapangyarihang kakampi,” ani Gordon.

Aniya, panahon na upang higit na kilalanin ang mga tagumpay at bayaning naging bahagi ng Himagsikan. (Gene Adsuara)