• September 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Diretsahan daw na tinukoy na maldita at snobbish… FRANCINE, dinepensahan ang paulit-ulit na naglalabasang blind items (ni: REY PINEDA) 


DINEPENSAHAN ng young actress na si Francine Diaz ang paulit-ulit na naglalabasang blind items tungkol sa kanya.

Ayon sa blind item, diretsahan daw nitong tinukoy siya bilang maldita, snobbish, at hindi madaling lapitan.     

Ang ipinagtataka raw nito madalas daw na tahimik lamang siya.  Madalas daw kasi siyang pagod sa trabaho, pressured kaya raw siguro siya nahuhusgahan.

Kaya’t hanggang sa ngayon hindi raw nito alam kung paano ang sapat na sangkap ng pag-uugali upang mapatunayan niyang hindi tama ang mga ibinibintang sa kanya.     

Dahil maging siya mismo ayaw daw niyang maging hindi komportable ang mga tao sa kanyang paligid.   

But lately, napagisip-isip daw nito na huwag na lang i-pressure ang sarili kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao.     

Although, tinatanggap naman daw nito ang mga positibong kritisismo, at hinahayaan na lamang ang mga negatibo.     

Ang tanong… paano niya nalaman na siya ang tinutukoy ng mga blind item?

Guilty ba siya?

***

SOFT launch ng kanilang relasyon na matatawag ang viral Instagram reel nina Magui Ford at Robbie Jaworski.

Sa nasabing Instagram reel, makikkitang magkasama sina Magui at Robbie sa Ocean Park sa Hongkong. Sa nasabing video, makikita rin na magkahawak ang kamay ng dalawa.

Walang personal na pag-amin ang dalawa tungkol sa kanilang hinihinalang relasyon.

Si Magui ay anak ng aktres/singer/host na si Karla Estrada at ng dating Quezon City Councilor na si Mike Planas.     

Nagtapos ito ng kanyang pag-aaral sa University of Melbourne sa Australia.     Samantalang si Robbie naman ay anak ng dating Asian Gold Medalist an si Mikee Cojuangco at ng politikong si Robert “Dodot” Jaworski Jr.

Well, hindi naman siguro masama kung maging sila na nga. Afterall, pareho naman silang single. Pareho rin silang nasa tamang edad para magdesisyon sa kung sino ang gugustuhin nila.

Ang abangan natin ay kung ano ang mga susunod nilang ipapakita sa kani-kanilang mga social media accounts.