• September 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May two movies at star-studded series sa September… KHALIL, palaban at pabirong tinapatan ang Instagram bio ni ANNE HATHAWAY (ni: ROHN ROMULO) 

KINAALIWAN ng netizens ang Facebook post ng aktor na si Khalil Ramos.

Makikita ang screenshot ng kanyang Instagram bio, na kung saan naka-line up ang upcoming projects sa September na katulad ng style sa social media ng sikat na Hollywood at Oscar-winning actress na si Anne Hathaway.

Tila pang-aasar na post ni Khalil, “O, sorry, Anne Hathaway.” 

Bida si Khalil sa ‘Saving Cherry’ na showing na sa September 2 at sa ‘Patay Gutom’ na part naman ng Puregold CinePanalo Film Festival (Sept. 23 – Oct. 4)

Kasama rin siya star-studded series na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Barbie Forteza, ang ‘Honor Thy Mother’, na streaming sa Prime Video PH simula sa September 11.

Kamakailan ay parang na-canonize bilang unofficial patron saint of productivity ng internet dahil ang kanyang Instagram bio na ang textbook definition ng ‘peak ng career!’

Nakalagay sa bio ni Anne ang dalawang pelikulang magkasunod na pinalabas sa mga sinehan, ang mega-blockbuster na ‘The Odyssey’ at ‘End of Oak Street’.  

Sa Oktubre, bida naman siya sa movie adaptation ng psychological romantic thriller novel na ‘Verity’ ni Colleen Hoover.  

Early this year, nagbida si Anne sa ‘Mother Mary’ at ‘The Devil Wears Prada 2’, na parehong streaming ngayon.

Pabirong comment naman ang kanyang girlfriend na si Gabbi Garcia, “anne hathaway is shaking, sama mo na si tom and zendaya.”

Natawa naman si Iza Calzado at kasunod nito ay, “Seriously, you deserve all the blessings! Congratulations!!! 

Komento pa ng ilang netizens…

“Napaisip pa ako, naalala ko nga pla this year ang dami din premiere showing ni Anne Hathaway, ahahahaha.” 

“Actually, dasurb nmn tlga maraming projects ni Khalil since magaling xa — not only limited sa pg act but pati theater, sing, dance + photography pa.”

“Just spotted a strong Anne Hathaway contender.”

“May paraan lang si Anne, ngunit mayroon si Khalil.” 

“Oh pak! Peak ng career! Daming ganap ni Khalil the cinephile!” 

“Anne Hathaway worthy opponent,” hirit pa ng isang netizen.

“The reference is referencing.” 

“PEAK NG CAREER!! Kinabahan na rin si Zendaya,” 

“Booked and Blessed! HAHAHAHAHA.” 

Kaya sa susunod na gusto mong ipaalam sa buong mundo kung gaano ka pinagpala at abala sa career mo, isulat ito sa iyong Instagram bio.