• September 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bago ang successful performance sa ‘Summer Sonic Festival’…SB19, nagpasiklab sa Japanese morning talk show na ‘DayDay’ (ni: ROHN ROMULO) 

ISANG araw bago ang successful performance ng SB19 sa ‘2026 Summer Sonic Festival’ isa namang milestone ang naitala ng P-Pop Kings na kinabibilangan nina Josh, Justin, Ken, Pablo at Stell.

Naging guest ang SB19 sa Japanese morning talk show na “DayDay” noong Huwebes, August 13, na kung live nilang ipinakita ang husay sa pagsayaw at pagkanta sa pamamagitan ng kanilang latest single na “Lawless.”

Sa kanilang Instagram post, ibinahagi ng grupo ang ilang behind-the-scenes moments sa naganap na TV guesting.“Behind the scenes of our first-ever live TV appearance in Japan!” Caption sa IG post.

Pahayag pa nila, “Who would have thought? We were once just dreamers with big dreams, and now we can check another one off our bucket list: being featured on national TV in Japan.” Makikita rin sa IG post pagsabay ng mga host ng “DayDay” habang nagpi-perform ng “Lawless” ang grupo. 

Pagmamalaki pa ng SB19, na sa kanilang pagpunta sa Japan ay dala-dala nila ang bandila at musika ng Pilipinas.

“We’re so happy to be here and honored to represent the Philippines and share our music with Japan and beyond,” pahayag nila.Samantala, last August 14, nag-perform ang SB19 sa Day 1 ng Summer Sonic sa Osaka na kung saan kasama sa kinanta nila ang “Dam”, “Gento”, “Visa” at latest single na “Lawless.Today, August 15, napapanood naman sila sa Day 2 ng festival sa Tokyo. 

Makikita rin isa pang IG post ang SB19 ang photos na kasama ang Japanese singer, actor, voice actor at TV personality na si Kento Nakajima.May caption ito na, “Had Yakiniku together.“Something might be in the works…”Kaabang-abang kung magkakaroon sila ng collab.