3 OSPITAL, MAUUNA PARA SA COVID- 19 VACCINE
- Published on February 4, 2021
- by @peoplesbalita
TATLONG ospital sa National Capital Region (NCR) ang tinukoy ng Department of Health (DOH) na unang mabebenipisyuhan ng Covid-19 vaccine sa sandaling dumating na sa bansa ang mga bakuna.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na tatlong referral hospital kabilang ang UP-Philippine General Hospital, Lung center of the Philippines at Dr. Jose Memorial Rodriquez Hospital ang unang mabibigyan ng bakuna kontra Covid-19.
Nilinaw ng kalihim na uunahin ang buong ospital hindi lamang ang health care worker kundi ang maging ang admin staff .
Nais ng kalihim na ma-preserve ang institutional safety sa halip na indibidwal .
Ayon pa sa Kalihim, kailangan mabigyan ang buong institusyon ng bakuna dahil kung hindi mababakunahan lahat ay hindi makakapagtrabaho ang mga medical workers .
Kaugnay nito, tintiignan din ng kalihim ang Davao at Cebu City dahil mataas din ang kaso ng sakit . (GENE ADSUARA)