• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ayaw makisawsaw sa gulo sa Myanmar

WALANG balak makisawsaw ang gobyerno ng Pilipinas sa nagaganap na kaguluhan sa gobyerno ng Myanmar.

 

Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, makaraang magkasa ng kudeta ang militar laban kay Myanmar State Council Aung San Suu Kyi at ilan pang matataas na opisyal dahil sa “election fraud” o dayaan sa eleksyon.

 

Ani Sec. Roque, internal matter ang nagaganap ngayon sa Myanmar at hindi na ito dapat panghimasukan ng pamahalaan.

 

Sa kabilang dako, nakikipag-ugnayan naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Filipino community sa Myanmar upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

 

Bukod dito, handa ang pamahalaan na magpatupad ng emergency repartriation para sa mga Filipinong apektado ng tensyon sa Myanmar.

 

Base sa abiso ng embahada sa naturang bansa, kailangan lamang na magparehistro para makasama sa listahan ng mga ililikas sakali’t lumala ang sitwasyon doon. (Daris Jose)