Valenzuela LGU, inilunsad ang Panatag Mental Health Program
- Published on August 25, 2026
- by Francis Paolo Torres
INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian at President and CEO of Mindscapes through PhilCare Mr. Jaeger L. Tanco ang Panatag Mental Health Program, ang FIRST school-based at LGU-supported mental health program sa Pilipinas, na sisimulan sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV) at Valenzuela City Technological College (ValTech).
Layunin ng programa na suportahan ang kalusugang pangkaisipan at kapakanan ng mga kabataang Valenzuelano sa pamamagitan ng pagbibigay ng madaling-maabot na gabay at suporta habang hinaharap nila ang mga hamon at pinangangasiwaan ang mga panggigipit ng pang-araw-araw na buhay. (Richard Mesa)