• August 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PHLPost nagbabala vs ‘smishing’,internet scam

NAGBABALA ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa publiko laban sa mga mapanlinlang na text message o “smishing” na gumagamit sa pangalan at pagkakakilanlan ng PHLPost upang makakuha ng personal at sensitibong impormasyong pinansyal.

Ayon sa PHLPost, karaniwang nagpapadala ang mga scammer ng text message na may kasamang kahina-hinalang link. Sinasabi sa men-sahe na may problema umano sa paghahatid ng isang parcel dahil sa hindi kumpletong address o kaya naman ay na­ngangailangan ng agarang pagbabayad ng “redelivery fee” gamit ang credit o debit card.

Para sa mga katanungan o pag-uulat ng kahina-hina­lang mensahe o aktibidad, maaaring makipag-ugnayan sa PHLPost Customer Service sa (02) 8288-7678 o 8288-POST. Maaari ring magpadala ng email sa phlpostcares@phlpost.gov.ph at PHLPost Inspectorate Department (isd@phlpost.gov.ph).