NBA star Anthony Edwards, dumating na sa Maynila para sa fan events
- Published on August 15, 2026
- by Francis Paolo Torres
DUMATING na sa Maynila ang four-time NBA All-Star at Minnesota Timberwolves star na si Anthony Edwards para sa serye ng engagements ngayong weekend.
Ibinahagi ng isang brand nitong Huwebes ang mga larawan ni Edwards kasama ang ilang Filipino content creators na kahawig ng mga NBA players.
Bahagi rin ng mga aktibidad ang “Believe That. Challenge,” isang nationwide 1-on-1 basketball tournament.
May pagkakataon ang mananalo na maiuwi ang P100,000 at makatanggap mismo kay Edwards ng championship crown.
Si Edwards, 24, ay naging first overall pick ng 2020 NBA Draft. Dalawang beses din siyang napabilang sa All-NBA Second Team, naging 2026 NBA All-Star Game MVP, at nagwagi ng Olympic gold medal kasama ang Team USA sa 2024 Paris Olympics.