• August 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P7.2 trilyong 2027 national budget isinumite na sa Kamara

NAISUMITE na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara ang panukalang P7.2 trilyong national budget para sa 2027, na mas mataas ng 6% kumpara sa nakaraang taon.

Tiniyak ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na masusing pag-aaralan ng Kongreso ang panukala upang matiyak na bawat piso ay magbibigay benepisyo sa mamamayan.

Ayon kay DBM Acting Secretary Kim Robert de Leon, mas mataas ng P407 bilyon ang panukalang badyet kumpara sa P6.8 trilyon noong 2026.

Sa ilalim ng panukala, pinakamalaking pondo ang nakalaan sa Edukasyon na may P976 bilyon. Kasunod nito ang DPWH – P644 bilyon at DOH – P353.8 bilyon. Kabilang din sa top 10 agencies na may pinakamalaking alokasyon ang DILG (P332.5 B); DND (P328.8-B); Transportation (P302.2-B); Agriculture (P261.7-B); DSWD (P241.6-B; Higher Education (P176.5-B) at Judiciary (P86.3-B)