‘Di magpapasilaw sa milyon-milyon na offer…MAUI, patuloy na nakatatanggap ng indecent proposals kahit 43 na (ni: ROHN ROMULO)
- Published on July 25, 2026
- by Francis Paolo Torres
INAMIN ng dating Viva Hot Babes member Taylor na sa edad 43, hanggang
ngayon ay nakatatanggap pa rin ng indecent proposals.Sa episode teaser ng “Your Honor,” nagkwento si Maui na kahit matagal na siyang tumigil sa pagpapa-sexy sa movie, ay marami pa ring kalalakihan ang nahuhumaling sa kanyang alindog at nagpaparamdam.
“Madami ka talagang mami-meet na they just want to get in your pants. Hanggang ngayon ang dami, e!” pahayag ng aktres.
Kaya naman hindi napigilan na itanong ng host na si Chariz Solomon na , “Magkano ‘yung pinakamalaki?”
Mabilis na sagot ni Maui, “Nasa millions din. Meron isa, siguro a couple of months ago.”
Pero hindi nagpasilaw ang aktres kahit gaano pa kalaki pa ang offer para maka-one night stand siya.
“Sabi ko, ‘hard pass, sorry talaga!’,” katuwiran pa niya.
Matatandaan na bukod kay Maui, may ilan pang celebrities na umamin na nakatanggap ng indecent proposal. Last month, pinost ni Herlene Budol ito sa kanyang Instagram story ang natanggap na mensahe mula sa isang “Gov”.
“Hello I’m Gov. Can I ask if available ka for one night stand and magkano?”
Nag-miss call pa raw kay Herlene ang naturang “Gov” at nag-offer ng P150,000.
“Hello gov pakyu sayo na 150k mo!” nairiritang sagot ni Herlene.
Hirit pa niya kay “Gov”, “Itulong mo nalang yan sa nasasakupan mong lugar godbless haha!”