• August 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

In-invite ang MMDA para ipalabas ang 51st MMFF Best Picture… ‘I’mPerfect’, magkakaroon ng special screening sa Lucania Film Festival (ni: REY PINEDA) 

LALONG pinayaman ni Bea Alonzo ang famous Wadough’s dahil sa kanilang P3,000 round minimalist wedding cake.

Samantalang ang wedding ring daw ng aktres ay nagkakahalaga ng mahigit P500,000.

Ikinasal na nga si Bea Alonzo sa kanyang business tycoon fiance na si Vincent Co.

Simpleng kasalan ang naganap. Labingdalawa lang ang nasa listahan ng mga guests.     Mga malalapit na kaibigan lamang ng dalawa ang um-attend. Hindi rin na-invite ang mga magulang nina Bea at Vincent.

Naisantabi na ang espekulasyon noon na nagkaroon ng ‘di pagkakaunawaan sa magkabilang panig dahil sa pre-nuptial agreement.

Parehong boluntaryong pumirma ang dalawa para sa nasabing agreement nang walang halong pag-aalinlangan. 

Sa ngayon, wala pa daw balita kung saan sila magho-honeymoon. Pareho raw tied-up sa kani-kanilang trabaho ang mga bagong kasal.

Kung inyong matatandaan, noong March 2026, kumalat ang balitang lumabas ang mga pangalan nina Bea at Vincent para sa marriage banns ng St. Peter the Apostle Parish sa Manila. 

Sa huling linggo ng June, nabalita rin na in-unfollow na ni Bea si Vincent sa kanyang instagram account. Maging ang kanyang wedding ring ay hindi na rin nakitang suot nito sa mga events.

Kung kaya’t laking gulat ng mga netizens ng maglabasan online ang mga photos nila na ikinasal na ni Makati Mayor Nancy Binay ang dalawa.

So, nangangahulugan ba na talagang nagkalabuan lang ang kanilang relasyon dahil sa pre-nuptial agreement?

O, dahil tutol sa nasabing kasalan ang mga magulang ng mga ito.

Tama lang naman ang ginawa nina Bea at Vincent. Nasa edad na sila at puwede na silang magdesisyon para sa kanilang mga sarili.

Afterall, sila namang dalawa ang magsasama at magsisimula para sa kanilang bubuuing pamilya.

***

NAKARATING sa amin ang balitang mismong pamunuan ng Lucania Film Festival sa Pisticcci, Italy ang nag-invite sa MMDA para ipalabas sa nasabing film festival ang “I’m Perfect” na prinodyus ng Nathan Studios, Inc.

Hindi kasali sa kumpetisyon ng film festival ang nasabing pelikula.

Kumbaga, special screening lang ang magaganap.

Ayon sa nasagap naming balita, mismong mga organizers daw ng film festival ang nag-request na magkaroon ito ng film exhibition dahil sa kakaibang tema ng pelikula.

Historical ang mangyayaring ito, dahil sa kauna-unahang pagkakataon isang Pinoy film ang magkakaroon ng special screening na ginampanan ng persons with down syndrome na idinirek ni Sigfrid Andrea Bernardo.

Nasungkit ng “I’m Perfect” ang Best Picture award sa nakaraang 2025 Metro Manila Film Festival. At naiuwi rin ng lead actress na si Kristel Go ang Best Actress award.

Sa magaganap na screening, malamang na maimbita rin ibang film festival ang “I’m Perfect” para sa public screening.