• August 17, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

After na manalo ng award sa ’The 9th EDDYS’…WILL, balik-MMFF sa pagpasok ng ‘Amir’ at aabangan sa comedy series na ‘Delivery Boi’ (ni: ROHN ROMULO)

MAGBABALIK-MMFF ang tinanghal na 9th EDDYS Best Supporting Actor na si Will Ashley para sa mahusay niyang pagganap sa Bar Boys: After School na naging entry sa 51st MMFF noong nakaraang taon.

Ka-tie niya sa naturang award si Rico Blanco para sa ‘Manila’s Finest.’ 

Ang 9th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editor (SPEEd) ay naganap noong Hulyo 5, Linggo ng gabi, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom ng Newport World Resorts, Pasay City.

Pagkalipas ng ilang araw, noong Hulyo 7, na ginanap sa Greenhills Mall, San Juan City, in-announce nga na kasama sa first four official entries ng MMFF 2026 ang “Amir” ng GMA Pictures kung saan makakasama ni Will sina Dennis Trillo, Argus Aspiras, at Glaiza de Castro.

Kaya labis itong ikinatuwa ng kanyang fans na very active sa social media, dahil meron na naman silang aabangan ngayong Pasko.

Anyway, nasubaybayan pala ni Direk Adolf Alix Jr. ang pagiging aktor ni Will.

Nakatrabaho niya ito “The Fake Life”, “The Vigil” na ini-release sa YouTube, sa May-December kasama si Ina Raymundo na “X & Y “ and soon to be release na “Poon”.Napansin din ang husay ni Will sa “Balota” na pinagbidahan ni Marian Rivera na naging entry sa 20th Cinemalaya. 

Sina Direk Adolf at Direk Dominic Zapata sa magdidirek ng Kapuso afternoon comedy series na Delivery Boi kung saan title role si Will.

Suportado rito si Will nina Meryll Soriano, Eric Quizon, Keempee de Leon, Vince Maristela, Mikoy Morales, at Maricar de Mesa.

Sunud-sunod ang magagandang projects ni Will at tiyak na marami ang mag-aabang sa magiging role niya sa Amir na official entry nga ng GMA Pictures sa MMFF 2026.For sure, lalaban na naman siya sa best supporting category.