• July 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP hospital takbuhan ‘pag inaaresto

BINIRA ni Sen. Panfilo Lacson ang umano’y paulit-ulit na “pattern” ng ilang kilalang personalidad na agad na nauuwi sa ospital kapag may warrant of arrest o kapag nako-contempt. Giit niya, tila nagiging takbuhan ang PNP General Hospital para sa mga hindi naman miyembro ng pulisya o kanilang dependents.

Ang pahayag ay ginawa ng senador sa gitna ng nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice Pres. Sara Duterte matapos siyang tanungin tungkol sa mga nakakulong at sa pagkakaospital ni Sen. Rodante Marcoleta na nahaharap sa kasong plunder at graft sa Sandiganbayan.

“Since time immemo­rial, ganyan ang nangyayari. Kapag kino-contempt sa Senado, bagsak sa ospital. Kapag may naaresto, bagsak sa ospital. Naglalabasan ang sakit kapag lumabas ang warrant,” ani Lacson sa DZMM.

“When the arrest warrant comes out, so does the medical condition – you name it – pneumonia, high blood pressure, high cholesterol levels. Some require neck braces, ­others have back pains. The di­seases come out when the arrest warrant comes out,” dagdag niya. “Nagiging pattern”.

Nauna nang pinost ni Lacson sa X na “WAR­NING; Bawal magkasak­it. Mahal ang gamot. Bawal magka-warrant. Baka magkasakit”.

Giit ng Senador na ang kanyang obserbasyon ay base na rin sa pangamba ng mga ordinaryong Filipino na kumukuwestyon kung bakit ang ilang personalidad na nahaharap sa kaso ay nako-confine sa ospital sa halip na ikinukulong. (DARIS JOSE)