• July 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinayuhan na inumin ang ini-endersong produkto…ALEX, pinatulan ang basher na nagni-nega sa kanyang pagbubuntis  (ni: ROHN ROMULO)

KALMANG-KALMA na pinatulan ni Alex Gonzaga ang isang netizen na nagpahayag ng hindi maganda sa kanyang pagdadalang-tao.

Habang nasa livestream siya nang iniendorsong produkto kasama ang kanyang Uncle Jojo, biglang umapir ang isang netizen na nag-comment ng sensitibong pahayag para sa ipinagbubuntis na anak nila ni Mikee Morada.

“Paano po pag namatay baby nyo? Kaya pa ng paragis?” tanong ng naturang netizen kay Alex.

Pero sa halip na magalit o itigil ang live broadcast, mas pinili ng actress/content creator na diretsahang sagutin ang basher.

“The fact na nasasabi ng ibang tao yan, ibig sabihin they are really full of hate,” pahayag ni Alex.

“‘Yung negativity, hatred, yang anxiety, yang depression… mag-Paragis ka na! Alam mo kung bakit? Kasi ang Paragis nakakatanggal din po yan ng anxiety, ng panic attack,” dagdag pa ng sister ni Toni Gonzaga.

Binigyang-diin rin ni Alex ang mga benepisyo sa kalusugan ng ini-endersong produkto. Mahalagang mapanatiling nasa tamang antas ang cortisol dahil ang labis na stress ay direktang nakapipinsala sa katawan ng tao.

Marami namang nagalit na netizens sa basher dahil alam naman nang nakararami ang pinagdaanang hirap ni Alex dahil ilang beses din siyang nakunan.

Mas mabuti na patuloy na lang ipagdasal na maging malusog at ligtas ng panganganak ni Alex sa baby nila ni Mikee.