• July 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña, dismayado kay PBBM sa ginawang pagpapa-ubaya ukol sa wage increase

IKINADISMAYA ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang ginawang pagpapa-ubaya ni Pangulong Marcos sa regional wage boards na pag aralan ang kanilang kaukulang wage increase.

Ayon sa mambabatas, sa halip na aksyunan ng Malacañang na i-certify as urgent ang P200 wage hike ay pinaubaya pa nito sa “pag-aaral” ng mga regional wage boards ang wage increase. 

“Hindi na kailangangan aralin pa, nalulunod ang mga Pilipino sa taas ng presyo ng bilihin. ‘Yun ang araw-araw na reyalidad nila,” anang mambabatas.

Ito aniya ay utang ng Pangulo sa mga manggagawa na di pa rin niya bayad.

Iginiit pa ng kongresista na dapat agad-agad ang pagsasabatas ng across the board minimum wage increase. 

“Hindi selected regions lang na wage increase. Hindi baryang wage increase. Hindi installment na wage increase,” dagdag nito. (Vina de Guzman)