Kung walang itinatago: VP SARA, dapat harapin ang impeachment trial – Malakanyang
- Published on July 8, 2026
- by Francis Paolo Torres
KUNG walang itinatago ay makabubuti kay Vice-President Sara Duterte na personal na harapin ang impeachment court para sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.
Ito ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang pinakamagandang pagkakataon para kay VP Sara na pasinungalingan ang mga akusasyon laban sa kanya lalo pa’t kung wala naman siyang ginagawang mali.
“it is not yet time for Duterte to take the witness stand because the proceedings have yet to reach that stage,” ani Castro.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi dumalo si VP Sara sa pagsisimula ng kanyang impeachment trial, araw ng Lunes, sabay sabing “the decision to personally testify is a matter of legal strategy and constitutional rights.”
Gayunman, sinabi ni Castro, na ang pagpapakita sa impeachment court ay makapagbibigay ng pagkakataon kay VP Sara na direktang harapin ang mga ebidensiya at testigo laban sa kanya.
“As a Filipino, and as a lawyer, mas maganda na ang isang tao na naaakusahan ay makaharap niya ‘yung mga witnesses against her,” ang pahayag ni Castro.
“Although alam kong hindi niya tatanggapin ito, hindi tatanggapin ang opinyon ng kahit na sino. Pero mas maganda, kung ako ang lawyer at alam ko na walang mali, malinis, walang pwedeng ikaso sa kanya, papaharapin ko siya para mapasinungalingan lahat ang mga akusasyon sa kanya,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, muling inulit ni Castro na maraming trabaho ang Pangulo para tutukan pa ang impeachment trial ni VP Sara.
“Kapag sinabi bang monitoring eh nakatutok, hindi siya ganun. Maraming trabaho ang pangulo… ‘Yung tutok hindi,” ang sinabi ni Castro. ( DARIS JOSE )