Pagkakaaresto kay Marcoleta, magsilbing aral sana sa lahat ng public officials ayon sa mambabatas
- Published on July 7, 2026
- by Francis Paolo Torres
MAGSILBI sana umanong aral ang pagkaka-aresto kay Senador Rodante Marcoleta sa lahat ng public officials, lalo na yaong mga makapangyarihang lider ng bansa.
Ayon kay Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña, bilang isang public officials ay nanumpa umano sila sa konstitusyon at sa sambayanan na pagsisilbihan ang interes ng mga ito.
Sinabi pa nito na ang public office ay isang public trust at ang sinumang lumabag dito, maging ito ay nasa mababang posisyon o pinakamakapangyarihang lider ng bansa, ay dapat harapin ang consequences ng kanilang aksyon.
“Tila akma ang pagkaaresto kay Sen. Marcoleta sa unang araw ng paglilitis ni Vice President Sara Duterte. I hope it serves as a reminder to the Vice President that she too will one day be held to account for her own abuse of power and wanton theft of our nation’s coffers,” anang mambabatas.
Inaresto sa Sandiganbayan si Marcoleta matapos ibasura ang kanyang mga mosyon sa kinakaharap nitong kasong plunder.
Ang warrant of arrest ay inisyu ng Sandiganbayan Third division laban kay Marcoleta kasama ang kapwa mga akusado na sina dating partylist Rep. Mike Defensor, Aristotle Viray at Joseph Espiritu.
Nagtungo ang senador sa sandiganbayan para sa pagdiig sa inihain niyang mosyon na nagpapabasura sa reklamo ng Ombudsman at para mapigilan ang pagpapalabas ng arrest warrant laban sa kanya.
(Vina de Guzman)