• July 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CALL CENTER , BUMANGGA ANG MOTORSIKLO SA HARANG NG TULAY SA PANDACAN, MAYNILA

NASAWI ang isang  call center agent nang bumangga sa harang ng tulay ang minamanehong motorsiklo sa Pandacan , Maynila. Dead on arrival sa Sta. Ana Hospital ang biktima na si James Fernandez , ng  Quezon City. Sa imbestigasyon ng Manila Police District -Traffic Enforcement Unit ,  dakong alas- 6:30 ng umaga nang naganap ang insidente  sa kahabaan ng Zamora Link Bridge, Pandacan. Minamaneho ng biktima ang kanyang Honda Click  nang pagsapit sa itaas na bahagi ng nasabing tulay ay nawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo dahilan para bumangga sa concrete bridge barrier. Dahil sa malakas na impact , tumilapon pa ang biktima sa dulo bago tuluyang bumagsak sa semento kaya matinding pinsala ang tinamo sa aksidente. Isinugod sa ospital ang biktima  ngunit binawian din ng buhay habang sumasailalim sa medical treatment .  (Gene Adsuara)