• August 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkakaroon ng regional mental health rapid-response, isinulong ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez

ISINUSULONG ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagkakaroon ng regional rapid-response network na binubuo ng mga mental health at child protection professionals kasunod na rin sa naganap na barilan sa San Jose National High School sa Tacloban City, bilang bahagi ng pagpapalawig na matulungan ang mga eskuwelahan na agad at mabilis na matugon laban sa karahasan, trauma at students in distress.

“Tatlo ang ating agarang direksyon. Una, bubuo tayo ng regional network ng mga volunteer psychologists, psychiatrists, guidance counselors, social workers at iba pang professionals na maaaring agad ma-deploy kapag may ganitong insidente,” pahayag ni Romualdez matapos makipagpulong sa mga opisyal mula sa Commission on Higher and Technical Education (CHED), Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Price Mansion sa Tacloban City nitong Lunes.

Sinabi ni Romualdez na ang network ay mayroong preventive education at mas malakas na koordinasyon sa pagitan ng mga government agencies, schools at local communities.

“Pangalawa, magsasagawa tayo ng regular na seminars para sa mga estudyante, magulang at guro tungkol sa mental wellness, child protection at violence prevention. Pangatlo, palalakasin natin ang koordinasyon ng lahat ng ahensya upang mas mabilis ang pagtugon kapag may mga batang nangangailangan ng tulong,” dagdag nito.

Nagpa-abot muli ito ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima ng nangyari sa San Jose National High School. “Bilang mga magulang at bilang isang bansa, nasaktan tayong lahat.”

Ang pagpupulong ay ipinatawag ni Romualdez sa mga naturang opisyal upang talakayin din ang tulong na ibibigay sa mga naapektuhan at magbuo ng mga karagdagang both assistance for those affected and measures to prevent upang hindi na maulit ang ganitong uri ng insidente.

“Kaya ipinatawag natin ang CHED, DepEd, DOH at DSWD upang pag-usapan kung ano ang maaari nating gawin—hindi lang para tumulong sa mga naapektuhan ngayon, kundi para maiwasan na maulit ang ganitong trahedya,” paliwanang nito.

“Responsibilidad din naming pagsama-samahin ang iba’t ibang sektor at tiyaking may sapat na suporta ang mga programa ng pamahalaan. Kapag may kakulangan sa batas o pondo, trabaho naming ayusin iyon,” dagdag ni Romualdez.

(VINA de GUZMAN)