• July 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, inanunsyo ang P150K na pinansiyal na tulong para sa pamilya ng mga namatay sa Tacloban shooting

MAKATATANGGAP ang bawat pamilya ng mga estudyante na nasawi dahil sa June 22 shooting incident sa isang eskuwelahan sa Tacloban City ng tig-P150,000 na financial assistance.

“Each family of those who died will be given financial assistance of PHP150,000,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang kalatas.

Ang mga suspek, may edad na 14 at 15, nagpaulan ng bala sa loob ng silid-aralan sa San Jose National High School sa Tacloban City, nagresulta ng pagkasawi ng tatlong katao habang 20 naman ang sugatan.

Sinabi ni Castro na ang Department of Social Welfare and Development at Department of Health ay magbibigay ng psychosocial services sa lahat ng naapektuhan ng insidente.

Samantala, inihayag ng pulisya na pinlano umano ng dalawang menor de edad na suspek ang pamamaril sa San Jose National High School mahigit isang buwan bago magsimula ang pasukan.

Ayon kay Police Brig. Gen.Jason Capoy, director of the Police Regional Office 8 lumabas sa imbestigasyon na nagsimula na ang pagpaplano noong Mayo 1. 

Nakababahala rin umano na tinalakay ng mga suspek, edad 14 at 15, ang mga probisyon ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 sa kanilang mga mensahe.