• July 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinuyog ng netizens sa kontrobersyal na pahayag…BRANDON at JETHER, nag-sorry matapos maliitin ang kakayanan ng mga purong Pinoy (ni: REY PINEDA) 


MALAKI ang naging impact sa fashion at entertainment industry sa tinuran ng dalawang former winners ng Mr. Supranational Philippines at Mister Pilipinas Global  2025 na sina Brandon Espiritu at Jether Palomo.

Maging ang kilalang Dubai-based fashion designer na si Michael Cinco ay nagbigay ng pahayag ukol dito.

Ayon kay Michael, “The nerve of these ordinary-looking guys acting superior when they don’t even look like they have foreign ancestry…they only come to the Philippines to build a career and gain followers…DUHHH!”

Nag-ugat ang sari-saring reaksyon mula sa mga netizens at pageant fans ng ang nabanggit na dalawang dating representative ng bansa sa kani-kanilang pageantry ay nagbigay ng kontrobersyal na pahayag.

Nagsimula ang isyu ng sa isang pageant segment, naatasan silang umawit sa sarili nilang wika.

Si Palomo, anak ng parehong Pinoy, ipinanganak at lumaki sa Amerika ay nagsalitang…”I pledge allegiance to the flag”!, na pinatutungkulan ang bandila ng Amerika. 

At sa discussion, sumagot si Espiritu ng…”Raise that flag, brother!”, muli ang tinukoy ay ang bandila ng Amerika.

Samu’t saring reaksyon ang natanggap nila. Bakit daw hindi  kumanta ng tagalog song ang mga representative.

Ayon kay Espiritu, ang mga contestants daw ay hindi naman tumira sa Pilipinas.

At nang may pumuna sa tinuran nito, ito ang kanyang naging kasagutan…

“Tell that to all the front-runners for the Philippines. This country wouldn’t have a chance on the national stage without us halfies”.

Umani ito ng kritisismo. Ayon sa mga pageant enthusiasts, minaliit daw ng mga ito ang kakayahan ng mga full-blooded Filipinos na sumasali sa mga local at international pageants.

Dahil sa kabi-kabilang negative criticisms, naglabas ng saloobin si Espiritu sa kanyang Instagram stories…

“I responded impulsively and made a remark that came across as disrespectful to many Filipinos. that was not my intention, but I understand why people were upset.

“I am proud to represent the Philippines and proud of my Filipino heritage. The last thing I would ever want is to diminish the accomplishments of Filipinos, whether they are full Filipino, mixed Filipino, or anyone who has had the honor of carrying our flag on the international stage.“

Hiniling din ni Espiritu na iderekta sa kanya ang mga negative criticism at hindi sa mga staff, organizers na associated sa kanya.

Maging si Palomo ay nagbigay rin ng kanyang pahayag.

“Recently I made a comment that upset and disappointed many people, and I want to address it directly. 

“To the claims that I am a ‘halfie’, I am fully Filipino and a dual citizen. Both of my parents are Filipino. I was born in the United States, and my heritage is something I have always been proud of and embraced as a core of who I am.”

Kumbaga, the damage has been done!

Kahit ano pa ang paliwanag na gawin ng mga dating representative na ito ng ating bansa, hindi na mabubura iyon.

Nagmarka na yan sa isip at puso ng mga pageant fans.

May punto si Mr. Michael Cinco, kung ating susuriing mabuti ang litrato ng mga kandidatong ito, wala namang bakas na may foreign blood sila. 

Pinoy na Pinoy ang hitsura nila. Ang pagkakaiba nga lamang siguro ay ang accent nila dahil lumaki sila sa Amerika.

Nagtaray rin ang Miss Universe-Philippines 2024 1st runner up na si Stacey Gabriel. Ayon sa komento nito sa kanyang social media, “Disrespectful. You either embrace your Filipino heritage fully when you represent us, or you don’t at all. 

“This term ‘halfies’  is a destructive, racially motivated word designed to needlessly segregate us.”

Si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados ay pinuna rin ang ginawi nina Espiritu at Palomo, ipinagdiinan nitong, “Being Filipino cannot be measured by ancestry.

“Proud Pinay. Halfies or not. No one can dictate what it means to be Filipino.

“My love for the Philippines is not measured by blood quantum, but by the pride, respect, and service I give to my country.”

Maging learning lesson sana ito para sa mga aspiring candidates ng mga pageants. Bago kayo sumali at i-represent ang ating bansa, isipin munang mabuti kung tanggap ninyo ang pagiging Pinoy. Hindi lang yung maging popular ang pangunahing dahilan, dapat tanggap ang Filipino heritage.

Sa ganitong sitwasyon, hindi ba dapat deemed as persona non grata sina Espiritu at Palomo sa buong Pilipinas?  

Ano sa palagay n’yo?