Libreng tiket sa ‘Puregold OPM Con Genarations’, alamin SB19, Ben&Ben, Alamat at iba pang OPM talents, pinaghahandaan na ng mga tagahanga (ni: ROHN ROMULO) ang pagkuha…
- Published on June 10, 2026
- by Francis Paolo Torres
SIMULA na ng pag-aabang sa kapana-panabik na Puregold OPM Con Generations!
Habang naghahanda ang mga tagahanga sa gabing pangungunahan ng ilan sa pinakamahuhusay na talento sa Original Pinoy Music, ilulunsad ng Puregold ang kakaibang paraan ng pagkuha ng tiket, na magsisimula sa Hunyo 12, at magbibigay ng pagkakataon sa mga mamimili na magkaroon ng libreng tiket sa pamamagitan ng kanilang pinamiling groseri.
Nakatakda sa ika-11 ng Hulyo sa Araneta Coliseum, pagsasama-samahin ng Con Generations ang SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G, Skusta Clee, SunKissed Lola, G22, KAIA, at Xonara para sa isang hindi malilimutang gabi ng retailtainment, ang ikatlong iterasyon ng Puregold ng nasabing selebrasyon ng musika.
Mula Hunyo 12, maaaring makakuha ng libreng tiket ang mga miyembro ng Aling Puring at Perks, sa pamamagitan ng kwalipikadong iisang-resibong napamili sa mga kalahok na tindahan ng Puregold.
“Every year, we look forward to seeing the excitement that OPM Con brings to our customers,” pahayag ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold Price Club. Inc.
“We know that OPM is more than just music for many Filipinos—it is part of our identity, woven into our memories, milestones, and everyday lives.”
Sabi ni Hayagan-Piedad, espesyal ang karanasang ito dahil nagsisimula ito bago pa man ang gabi ng concert.
“Through our ticket redemption program, even a regular grocery trip can become the beginning of a memorable fan journey, bringing friends and families closer to the artists, songs, and communities that mean so much to them.”
Upang makakuha ng tiket, kinakailangang makakuha muna ng queueing number para sa kanilang ninanais na ticket tier ang mga kustomer na may aktibong membership sa Aling Puring o Perks. Kinukumpirma ng queueing number na ito kung mayroon pang puwang o slot sa napiling seksyon o kategorya ng tiket.
Sa oras na makompleto ang pamimili, maaari nang tumungo ang mga miyembro sa ticket redemption booth at ipakita ang kanilang Aling Puring o Perks card, queueing number, at opisyal na resibo upang makuha ang kanilang concert ticket.
Narito ang mga halaga para sa mga single-receipt purchase at ang karampatang ticket category ng bawat isa:
VIP Standing – ₱8,500 minimum purchase
Patron – ₱7,000 minimum purchase
Lower Box – ₱5,500 minimum purchase
Upper Box – ₱4,000 minimum purchase
General Admission – ₱2,500 minimum purchase
Obstructed Upper Box – ₱1,500 minimum purchase
Obstructed General Admission – ₱1,500 minimum purchase
Ang bawat isang kwalipikadong transaksyon ay nagbibigay sa bawat miyembro ng isang concet ticket, at mayroong maximum na dalawang tiket lamang na maaaring makuha ang bawat miyembro sa durasyon ng ticketing period. Kung mayroong miyembro na makagagawa ng higit sa dalawang kwalipikadong transaksyon, ang mga transaksyon na may pinakamataas na halaga lamang ang magagamit sa pagbili ng tiket. Para naman sa VIP Standing at Patron na tiket, maaaring magsagawa ng cash-in papuntang P-Wallet account upang makakuha ng tiket.
Hindi maaaring ilipat, ibigay, o ipamili sa ibang tao ang mga concert tiket. May karapatan ang Puregold na ikansela ang tiket o hindi payagan ang sinuman na pumasok sa concert venue oras na mapatunayang hindi lehitimo ang pagkuha ng tiket.
Para sa mga menor de edad, kinakailangang may kasamang may-ari ng tiket na edad 18 pataas. Hinihingi rin ang pagpirma ng isang waiver pagpasok sa venue.
Maaaring makakuha ng tiket para sa OPM Con Generations sa mga sumusunod na tindahan ng Puregold sa buong bansa: Taytay, Rizal; Biñan, Laguna; Anabu-Imus, Cavite; Valenzuela; QI Central, Quezon City; Cubao, Quezon City; Fairview Terraces, Quezon City; Tayuman, Tondo, Manila; Parañaque; Kalentong, San Andres, Manila; Q. Plaza, Cainta, Rizal; at San Pedro, Laguna.
Para sa mga kustomer sa probinsya, mayroong ilalaan na Regional Fan Pass ang Puregold, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga tagahanga sa labas ng Metro Manila at ng Pilipinas na makakuha ng tiket habang mayroon pang suplay.
Dahil inaasahang mabilis na mauubos ang mga tiket, hinihikayat ang mga mamimili na bumisita nang maaga sa mga kalahok na tindahan upang makuha ang ninanais na seksyon sa concert.
Para sa mga update, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube, at i-follow @puregold_ph sa Instagram at X, at sa @puregoldph sa TikTok.