• June 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Umakyat na sa 53 ang napaulat na death toll… Mahigit sa 346,000 katao, naapektuhan ng lindol sa Mindanao — NDRRMC

MAHIGIT sa 346,000 katao ang naapektuhan ng magnitude 7.8 earthquake sa Mindanao.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ito ay base sa kanilang 8 a.m. report, araw ng Huwebes.

Sinasabing may 346,449 katao o 75,324 pamilya mula sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang labis na naapektuhan ng malakas na pagyanig.

Sa apektadong populasyon, may 16,349 katao o 3,515 pamilya ang kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation centers, habang may 29,260 katao o 7,279 pamilya ang nanunuluyan o nagpakupkop sa ibang lugar.

May kabuuang 47 katao ang napaulat na asawi, kabilang ang 35 sa Soccsksargen at 12 sa Davao Region.

Base sa update ng Bureau of Fire Protection (BFP), araw ng Miyerkules, umakyat na sa 53 ang napaulat na death toll dahil sa lindol.

Tinuran ng NDRRMC na may 688 katao ang napaulat na nasugatan at 33 iba pa ay nawawala.

Sa kabilang dako, idineklara naman ang state of calamity sa Davao Occidental (province-wide) Malapatan, Sarangani

Glan, Sarangani

General Santos City (Dadiangas), South Cotabato

“The earthquake caused 37 landslides, seven tension cracks, and one tsunami alert,” ayon sa NDRRMC.

May kabuuang 45 road sections at walong tulay ang apektado. Sa nasabing bilang 37 na lansangan at anim na tulay ang madaraanan na ngayon.

Naranasan naman ang power interruptions sa 48 lugar. Naibalik naman ang electricity supply sa pitong apektadong lugar.

Nananatili namang non-operational ang naapektuhang airport sa Soccsksargen subalit ang dalawang seaports sa BARMM ay nagpatuloy na ng operasyon nito.

May kabuuang 238 imprastraktura ang napinsala sa nasabing lindol.

Ang klase sa 210 lugar at work schedules sa 113 lugar ay suspendido dahil sa epekto ng lindol.

“Assistance worth P26,330,709 has been provided to the victims so far,” ayon sa NDRRMC. (DARIS JOSE)