Bayanihan sa Kalusugan: Alagang Manggagawa
- Published on May 27, 2026
- by Francis Paolo Torres
PERSONAL na binisita ni Caloocan 2nd District Congressman Edgar “Egay” Erice ang isinagawang kick-off ng Bayanihan sa Kalusugan: Alagang Manggagawa sa San Jose Elementary School sa Brgy. 128, Caloocan City para kamustahin ang kanyang mga kababayan na nakinabang sa libreng konsultasyon na programang pangkalusugan ng Unilab katuwang ang HealthFirst at opisina ni Cong. Erice.
Kabilang sa mga libreng konsultasyon ang vitals check, urinalysis, bone density check, blood chemistry, eye check-up, libreng gamot, bitamina, X-Ray at marami pang serbisyong pangkalusugan. (Richard Mesa)