Nag-aalaga nang tatlong anak na may sakit:KIM, naging emosyonal nang mabunot ang letter ng isang security guard (ni: ROHN ROMULO)
- Published on May 26, 2026
- by Francis Paolo Torres
NAGSAMA-SAMA sina Vice Ganda, Kim Chiu, Julie Anne San Jose, Yeng Constantino, Darren Espanto, Nina, Bamboo at ilan pang OPM icons na sina Chito Miranda at Ely Buendia para sa isang special entertainment and rewards event na ‘BingoPlus Night 2026’ hosted by Joy Barcoma, Rufa Mae Quinto, and Markki Stroem.
Bonggang-bongga ang selebrasyon para sa naganap na wish-granting initiative na bahagi ng charity event ng kilalang digital gaming platform noong May 19, sa Pasay City.
Tampok nga sa nnaturang event ang mga musical performance at isang espesyal na bahagi kung saan bumunot ng mga letter ang mga celebrity guest para tuparin ang kanilang mga kahilingan.
Sinimulan ang programa sa pasabog na performance ni Darren na kung saan nakailang kanta siya.
Sunundan ito ni Kim with her version of “Opalite” ni Taylor Swift at “Man I Need” ni Olivia Dean.
After ng performance ay bumunot siya mula sa mga sulat ng mga kababayan na may pangangailangan.
Isa sa mga letter na nabunot ni Kim ay mula sa isang security guard na may tatlong anak — isa na may sakit sa puso, isa na may diabetes, at isang may autism.
Wish lang ng ama ang isang e-bike upang makapagtrabaho siya bilang part-time delivery rider at masuportahan ang kanyang pamilya.
Dahil sa nabasa naging emosyonal si Kim kaya ipinagpatuloy na lamang ito ni Joy Barcoma. Hindi na raw niya kayang tapusin ang pagbabasa dahil naiiyak na siya.
Bumunot muli si Kim ng isa pang liham kung saan wish naman nito na magkaroon ng laptop para sa nakababatang kapatid na isang IT student para magamit sa pag-aaral.
Agad naman itong tinugunan ng BingoPlus, kaya wish granted agad.
Marami talagang napaligaya ng gabing yun, lalong-lalo na ang nanalo ng luxury car.
***
PlayTime Entertainment at Miss Grand International All Stars 2026, nagsama sa isang natatanging ugnayan
PINASOK ng PlayTime Entertainment, isang integrated entertainment company ang makabagong panahon ng global entertainment sa pamamagitan ng makabuluhang pakikipag-ugnayan sa Miss Grand International All Stars 2026. Ito ay tanda ng isang mahalagang milestone ng brand sa pangako nitong ipagdiwang ang mga Pilipino sa pandaigdigang entablado sa pamamagitan ng world-class entertainment, empowerment, at pagpapataas ng kagandahan at kulturang tunay na ipagmamalaki.
Bilang opisyal na entertainment partner, ang PlayTime Entertainment ay maghahatid ng one-stop exclusive entertainment content at behind-the scenes ng mga sandali ng paglalakbay ng mga kandidata para makamit ang inaasam-asam na korona. Ang mga tumatangkilik ng pageant ay maaaring makapanood ng LIVE at LIBRE sa YouTube channel ng PlayTime Entertainment.
Narito ang mga mahahalagang petsa sa linggo ng pageant:
Mayo 27 — Preliminary Round 1: Evening Gown & Bare Face Competition
Mayo 28 — Preliminary Round 2: Swimsuit Competition
Mayo 30 — Grand Coronation Night
Lahat ng streams ay live at libre, eksklusibo lamang sa YouTube channel ng PlayTime Entertainment.
Ang pagtatagpo ng world-class entertainment at global cultural representation, muling pinagtitibay ng PlayTime Entertainment ang pangakong i-angat ang talento ng mga Pilipino sa pandaigdigang entablado. Bilang bahagi ng pananaw na ito, ipinagmamalaki ng brand na palawakin pa ang kanilang suporta sa limang Pilipina na makikipagtagisan ng galing sa darating na Miss Grand International All Stars 2026, kung saan ay kakatawanin nila ang kakisigan, kumpyansa at pambansang pagmamalaki sa harap ng pandaigdigang madla.
Ang mga kinatawan ng Pilipinas sa naturang kompetisyon ay sina Gazini Ganados, dating Miss Philippines Earth titleholder na si Imelda Schweighart, ang nanalong Miss International Queen 2022 na si Fuschia Ravena, ang Manila-based Brazilian-Filipino Beauty Queen na si Alexia Nuñez at ang Universal Woman Arabia 2025 titleholder na si Keylyn Trajano. Ang bawat isang kandidata ay may pagmamalaking dala-dala ang sash ng Pilipinas na siyang sumasagisag sa kariktan, kahusayan at pandaigdigang pagkakaiba.
“This landmark collaboration signals PlayTime Entertainment’s continued evolution as a forward-thinking entertainment brand,” pahayag ni Adela Mae Marshall, PlayTime Entertainment Spokesperson.
“Beyond traditional partnerships, we aim to create meaningful engagements that seamlessly merge entertainment, empowerment, and cultural storytelling on a global scale.”
Ang ugnayan sa pagitan ng PlayTime Entertainment at Miss Grand International All Stars 2026 ay sumasalamin sa nakabahaging pananaw na muling pagtukoy sa kanilang mga karanasan sa pandaigdigang entablado habang ipinagdiriwang ang kumpyansa, pagkakaiba-iba at kulturang tunay na ipinagmamalaki sa pandaigdigang tanghalan.
Ang pagsasama-sama ng mga natatanging kababaihan mula sa buong mundo, ang kanilang pagtutulungan ay magbibigay ningning sa mga indibidwal na nagpakita ng kahusayan at namumukod-tangi sa kani-kanilang larangan, ay siyang magsisilbing inspirasyon sa mga manonood sa pamamagitan ng kanilang mga tagumpay, layunin, at natatanging paglalakbay.