Senior QCitizens may naghihintay na trabaho sa QC
- Published on May 26, 2026
- by Francis Paolo Torres
KAHIT matatanda na at kaya pa ay maaari pa ring magkaroon ng pagkakaabalahang trabaho ang mga senior citizen ng Quezon City.
Ito ay makaraang lumagda sa isang kasunduan ang Quezon City Government, McDonald’s Philippines, QC PESO, at DOLE upang magbigay ng trabaho para sa aabot sa 100 senior QCitizens na ia-assign sa 50 McDonald’s stores.
Ang kasunduan ay nilagdaan sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng oportunidad at kabuhayan para sa mga nakatatanda sa lungsod.
Ang trabaho na naghihintay sa McDonalds branches sa Quezon City para sa mga elderly ay ang pag-asiste sa mga customers na hindi naman mabigat na trabaho.
Ang mga interesado ay maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng PESO o i-click lamang sa online ang QCservices para sa dagdag na kaalaman at impormasyon para dito.