MARTIN at GARY, parang nag-back-to-back sa concert ni JESSICA
- Published on May 18, 2026
- by Francis Paolo Torres
BINUHAY at lalong pinasaya ang Manila concert ni Jessica Sanchez nitong May 16 sa Smart Araneta Coliseum dahil sa special performances nina Martin Nievera at Gary Valenciano.
After na makipag-duet ni Jessica sa dalawang OPM icons ay may kanya-kanya rin silang production number kung saan kinanta nila ang kanilang hit songs na labis ikinatuwa ng audience.
Muli ngang napakanta nina Martin at Gary ang audience dahil sa sikat nilang kanta na naging parte na ng kanilang buhay.
Para tuloy naging back-to-back concert nila ito na parang bonus sa mga nanood ng concert ni Jessica na nagwagi sa 20th season ng “America’s Got Talent” na ipinagmalaki ng Pilipinas sa ibang bansa.
Marami namang naaliw kay Regine Velasquez dahil pagkatapos ng duet nila ni Jessica ay napahawak siya sa kanyang ulo, “Sandali nasunog ang anit ko! Isip ko ano ‘yung masakit? Meron palang anu-ano.”
Kaya sa solo number ni Regine ay napatingin ulit siya sa taas, “Baka masunog ulit ang anit ko, dito na lang ako, hindi ako prepared.”
Marami naman ang nadismaya kung bakit last minute ay hindi na pwede si Vice Ganda na naglabas ng official statement ilang oras bago magsimula ang concert.
“Due to some unforeseen circumstances,” ito raw ang dahilan.
Ang saya siguro kung natuloy ang guesting ni Vice sa concert.
Marami naman ang na-touch nang iparinig ni Jessica ang original song na “Two Lines” para sa anak niyang si Eliana Mae Gallardo.
Kahit nga hindi natuloy si Vice Ganda ay
super happy pa rin si RS Francisco na isa sa producer ng “Jessica Sanchez Live in Manila 2026” presented ng Wilbros Live dahil sa marami ang pumasok na sponsors.
Congrats Jessica!
(ROHN ROMULO)