Kaya kinailangan na maglabas ng official statement… Pagbibiro ni SARAH na iboto siya sa eleksyon, sineryoso ng iba
- Published on April 23, 2026
- by @peoplesbalita
OFFICIAL na inilunsad na ang bagong negosyo ni Marian Rivera, ang “Wonder Society.”
Nagawa namin itong libutin at talaga namang nagulat kami na gano’n pala kalaki at kabongga ang bagong business venture ni Marian.
Sa GH Mall, sa buong roof deck na merong 3,000 square-meter ang kabuuan ng Wonder Society. It’s a membership club kunsaan, the kids can play, learn everything while having fun.
Naku, siguradong magiging haven ito for kids at the same time, sabi nga ni Marian, para sa mga parents na gusto lang mag-chill, makapag-relax naman or kahit mag-work sa parents lounge area.
At ang isa pang maganda, sigurado ang safety ng mga bata. Si Marian ang isa sa mga may-ari at iba pa. Nasa lima rin daw silang partners.
Hindi pinalampas ni Dingdong na hindi maipakita ang kanyang suporta sa kanyang Misis. Present si Dingdong sa launching at sabay na rin sila ni Marian na umalis.
Nang makausap namin ang actor, “masaya ko na may ganitong place for the children. At updated naman ako sa mga plano noong ginagawa ito.”
Siyempre, very proud nga si Dingdong kay Marian na bilang nanay pa lang ay talagang napaka-hands-on na.
***
YUNG pagjo-joke ni Sarah Geronimo na iboto siya sa election ay sineryoso ng iba.
Ang ending, kinailangan ng maglabas ng official statement ng G Productions.
Narito ang kanilang pahayag.
“We have seen a few clips making the rounds suggesting that Sarah is gearing up for the next election, or at least testing the waters.
For context: the video came from a live event where, as part of her closing spiel, Sarah playfully asked the audience to vote for her in the next election. It was a lighthearted moment meant purely for fun and crowd interaction.
“Sarah is exactly where she wants to be — on stage, doing what she loves, and inspiring people through her talent and artistry.
“We kindly ask everyone to enjoy the moment for what it was and resist adding any political color to an onstage joke.”
(ROSE GARCIA)