• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alex Eala, agaw-pansin sa Filipiniana sa Laureus Awards Madrid

AGAW-pansin sa red carpet ang pinay tennis sensation na si Alex Eala.Bombo Network News
Sa pagkakataong ito ay hindi dahil sa lakas ng palo, kundi lakas ng dating sa pagdadala ng Filipiniana outfit.
Sa ginanap na 2026 Laureus World Sports Awards sa Madrid, Spain, rumampa si Alex suot ang isang soft cream Filipiniana gown na may detachable bolero na pinalamutian ng iconic butterfly sleeves.
Hindi lang basta gown ang nagpa-wow sa international crowd, kundi ang kumpletong package ng gayak ni Alex, mula sa kanyang soft wavy curls, matching necklace, earrings, ring na may orange gems, at isang tennis bracelet na nagbigay ng classy finishing touch.
Bukod sa red-carpet moment, abala si Alex sa kanyang sports calendar, kung saan sasabak siya sa Madrid Open (April 21–May 3), susundan ng Rome Open (May 5–17), at nakalista rin sa WTA 125 Parma Ladies Open sa Italy (May 11–16).
Ang Laureus Awards, na taunang ginaganap mula pa noong 2000, ay itinuturing na “Oscars of Sports,” kung saan ang mga nominado ay pinipili ng global media at ang mga nanalo ay ibinoboto ng Laureus World Sports Academy.