• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Patay sa COVID-19 sa China, nasa 2,764 na

MAHIGIT 50 pa ang nadagdag na patay sa nakalipas na magdamag mula sa China, habang may mga nasawi rin sa Italy at Iran dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

 

Dahil dito, umabot na sa 2,764 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang sakit.

 

Nasa 80,996 naman ang mga nagpositibo sa virus mula nang una itong ma-detect noong Disyembre 2019.
Sa nasabing bilang, 8,839 o 18 percent pa rin ang nananatiling kritikal, habang 39,342 o 82 percent ang mild conditions.

 

Samantala, umaabot naman sa 30,051 ang mga naka-recover, matapos ang isinagawang quarantine sa mga ito.