Inamin na si Bianca ang pinaka-espesyal… DUSTIN, unbothered kahit naging support lang nina JM at FYANG
- Published on April 15, 2026
- by @peoplesbalita
MAGANDA naman ang naging sagot ni Dustin Yu nang matanong ito sa ginanap na mediacon ng “Almost Us,” ang pelikulang pinagbibidahan nina JM Ibarra at Fyang Smith.
Tinanong kasi ito na buti raw, pumayag pa rin siya na maging support sa dalawa. Tingin namin, unbothered naman si Dustin kung support man siya sa team-up nina Fyang at JM.
At personally, nagtataka rin kami na parang bakit kailangang i-input sa kanila, gaya ni Dustin na pang-bida na lang ba siya?
Eh, hello, he’s still considered a newbie at hindi dapat maging isyu kung support man siya or hindi.
Sa isang banda, na-appreciate namin ang pagiging honest ng tatlo nang tanungin namin kung sino ang tao sa buhay nila ngayon na hindi nila gugustuhing ma-label as “almost us.”
Dahil ayon kay JM ay nanliligaw siya kay Fyang, pareho silang ang isa’t-isa ang sinagot. Habang si Dustin naman, inamin na si Bianca de Vera sa lahat ang pinaka-espesyal sa kanya at ‘di niya gustong mauwi sa almost us lang sila.
Ang “Almost Us” ay ipapalabas na sa May 6 sa direksyon ni Dan Villegas under Regal Entertainment and Project 8 Project.
***
AMINADO si Chariz Solomon na hindi siya fan ng BINI.
Pero ang daming naka-appreciate sa kanya dahil sa naging post niya sa social media.
Isa si Chariz sa mga celebrities na talagang pumuri sa ipinamalas ng BINI sa naging almost 40 minutes performances nila sa Coachella stage.
Sabi ni Chariz, “Hindi ako magiging ipokrita, hindi man ako male-label na big fan ng BINI, pero big fan ako ng HARDWORK at COURAGE. Hindi natin nakikita ang sacrifices ng BINI, ang mga kailangan nila isantabi para irepresent tayo at ang mga sarili nila – sa biggest stage man o hindi, they represented well. We have to be happy and proud, kasi sila ang naghirap, tayo ang nakilala. Thank you BINI. We are proud!!
@Kahit di ko pa napapanuod, based on personal experience, hindi man ako sing laki nila, sa 21 yrs ko sa showbiz yung hirap wala talagang kapantay. Paano pa kaya sila. So really, wala pa man akong masyadong alam sa BINi, sobrang naaappreciate ko sila.”
Dahil sa post na ito ni Chariz, nababasa namin ang mga comment sa kanya at tila ine-encourage siyang maging Bloom at may mga links na sine-send sa kanya.
True naman, hindi rin Kapamilya si Chariz kaya coming from genuine sincerity ang comment niya. At totoong nakaka-proud ang BINI sa ipinakita nila It’s not about the group anymore, but the country that they gave another history.
(ROSE GARCIA)